Weiss Kreuz Fan Fiction ❯ RagnaWeiss ❯ Chapter1.Weiss Kreuz Online ( Chapter 1 )

[ P - Pre-Teen ]
RagnaWeiss

Disclaimers: Weiss Kreuz belong to Koyasu-sama. Hindi sila akin, ang magdemanda itatapon ko sa creek na puno ng buwaya. Ngapala, I also don't own Raganarok. Level-up ang may-ari sa kanila. Walang magagawa ang pagdemanda, level-up card nga wala akong pambili. -_-'

A/N: Nanawagan ako, sino sa inyo ang nakakakilala sa author ng 'Alamat ni Pritong kandule'...ala lang...gusto ko lang sabihin....SHIT!!!!!! Ang galing mo tol! Ugh...un lang. Pag may iba pa kayong RO fanfics na alam, paki-send naman sa akin pls!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Arigatou!!!!!<Sensya na, first time kong mag-tagalog sa fanfic. ^___^V>

My first ever TAGALOG fanfic kaya Sensya na kung medyo may mga mali...at hindi rin ako henyo sa Ragnarok kaya sensya pag may mali akong nasabi...May pagka-OOC din ang mga characters....
<a side note: I'm currently using Notepad and may/or may not use WORD so if there's any grammatical errors, Gomen. -_-'.>


RagnaWeiss
By: AoiFurin
-------------------------------
Chapter 1. Weiss Kreuz Online
--------------------

Isang ordinaryong araw lang ang lumipas sa Koneko no Sumu Ie. Wala ring misyong kailangang gawin kaya't libre ang gabi ng Weiss.

"Magugunaw na ba ang mundo at wala ka atang date ngayon Yohji." Tukso ni Ken sa nakakatandang assasin.

"Heh! Para sa iyong kaalaman, ako po ay may date pero kailangan kong ikansela..."

"Mou, Yohji-kun(1). Ang akala ko si Nanase-san ang nagkansela?" Sabat naman ni Omi na ngayon ay naglo-log in sa internet.

"Salamat Chibi." sarkastikong sagot mula kay Yohji.

"Hahaha<tawa ng tawa> ang great Kudou<hingal pero tawa pa rin> Yohji ay<ngayon hawak na ang tiyan> hahaha-" hindi na masyadong maintindihan ang kanyang sinabi sapagkat sinugod na sya ni Yohji.,

"Manahimik nga kayo Hidaka Koudo!" sigaw ng naglalakad na yelo(2)<Sorry Natsu!>

Sandaling natahimik ang mission room <yes, they're in the basement a.k.a. Mission room> maliban sa ilang ipit na tawa ni Ken at ang tunog ng keyboard.

"Uh...guys, Kailangan nyong makita ito."

"Bakit ano un Omittchi?" kumalas si Ken sa headlock ni Yohji at tinabihan si Omi.

"Chi-neck ko kasi ung e-mail natin sa Kritiker at imbes na iyon ang napuntahan ko, napunta ako sa ibang site." paliwanag ni Omi.

"Baka nagkamali ka lang ng address na tinayp." hindi sa pagiging henyo ni Yohji pero ang alam nya, pag mali ang itninayp na add, maling page din ang lalabas.

"Hindi. Ilang beses ko na ring tinayp pero iba-ibang page ang lumalabas. Trinay ko na rin ang ilang anime sites pero iba talaga ang lumalabas." Tinuro nya ang add ng kanyang sinulat. Anime.org ngunit ang lumabas ay isang site para sa mga bulaklak.

"Sandali nga." hi-nome ni Ken ang explorer para mapunta sa kanilang homepage. <Marunong syang gumamit ng Desktop? >#< Sensya Rose.> Pero ang karaniwang kulay beige at old yellow na lay-out ng Koneko no Sumu website(3) ay napalitan ng isang nag-susumigaw na pink Hello Kitty webpage.

"<eyes now contracted into dots> Paanong nangyari iyon? Nawala ang ating website!" takang tanong ni Ken. Tinapunan lang sya ng tatlo ng tinging nagsasabi na 'obvious-naman-di-ba?'.

"Baka may sira lang ang server o kaya may traffic lang sa net. Maayos din yan." Cool na sabi ni Yohji.

"Wala sa server ang sira sigurado. Pero may posibilidad na ganito din ang nangyayari sa ibang computer at delikado yon." nag-aalalang pukaw ni Omi.

"Bakit naman Omittchi?"

"Oo nga Chibi?"

"....dahil pwedeng mapuntahan ng di sinasadya ang Kritiker site. Maaring din di-sadyang mapuntahan ang e-mail add natin." sabat ni Aya sabay turo na ang kanilang napuntahan palang 'Hello Kitty' webpage ay isang personalized e-mail add.

Tumango si Omi bilang pagsang-ayon.

"Kailangang makontak ang Kritiker."
-------------

"Anthony, sigurado ka bang sila ang kailangan natin?" tanong ng isang teenager na babae na may mahabang bluish silver na buhok.

"Oo. At ilang beses ko bang sasabihin sayo Destiny na ang nick ko dito ay Sephiroth Jr., Seph for short?!" iritadong sagot ng isang teenager na lalaki na may blond na buhok. <pero ngayon silver na may green at red na streak ok....tigil ko muna to. Basta dito Blond sya dahil un orig color nya.>

"Fine...So sila ba talaga ang kailangan natin Sephy?" kulit ni Destiny. Umikot lang ang mata ni Seph sa iritasyon.

Sasabihan nya sana ulit si Destiny nang biglang pumasok ang isang teenager na babae na may green na buhok.

"Rikku! nakita mo na sila?"

"Yep!" masayang sagot ni Rikku. Bago pa nakahuma si Sephiroth Jr., Seph for short ay tumalon si Destiny sa gitna nila ni Rikku.

"Tara na! WAAARRRRRPPPP!!!!!!!!!"

"Teka lang Destiny, hindi nila alam na nag-ee-" kung ano man ang sasabihin ni Seph dahil silang tatlo ay binalot na ng nakakasilaw na liwanag.
--------------

Isang misteryoso at nakakabulag na liwanag ang biglang lumitaw sa gitna ng mission room.

Mabilis na kumilos ang apat na assasin at sa isang iglap sila ay nakabihis na sa kanilang 'mission outfit' at hawak ang kanilang mga sandata.(4)

Handa na silang sumugod nang humupa ang liwanag ngunit sila ay natigilan nang may narinig silang nag-aaway.

"Hindi alam sa mundong ito na ang Midgard ay nag-eexist!" ulit ni Seph.

"Hindi ka naman kasi nagsasalita dyan eh!" sagot naman ni Destiny.

"Pabara-bara ka kasi. Tulad din yan nung quest natin dati. Winarp mo tayo sa gitna mismo ng mga kalaban!"

"Eh bago ko lang acquire ang Warp skill non. Tsaka, may warp skill ka naman bat di mo gamitin iyon?!"

"Uh...guys, andito na tayo." pilit na sabat ni Rikku.

Sabay na napatingin si Seph at Destiny sa apat.

"Uh....hello." concious na ngiti ni Destiny. Si Seph naman ay speechless.

Biglang may tumaas na kulay pulang kilay.

"Sino kayo at ano ang ginagawa ninyo dito?" malamig na tanong ni Aya sabay tutok ng kanyang katana kay Destiny.

"Ah..eh..kasi ganito un...ah...eh...Warp!" sa takot ni Destiny ay nag-warp sya bigla. Nagulat ang Weiss at inisip na ito ay panganib. Sabay-sabay nilang sinugod si Seph at Rikku kung hindi agad nakakilos ang Mage.

"Ice Wall!!!!!!" sigaw ni Rikku na nagligtas kay Seph sa darts at wire ng assasins.

"Weiss! May mga kapangyarihan sila! Mag-ingat kayo!" babala ni Omi.

"Bombay, mag posibilidad bang kasapi sila sa Estet?" Tanong ni Yohji.

"Oo nga, ang Shwarz ay may mga kapangyarihan din hindi ba?" saad ni Ken.

"Hindi ko alam. Pero baka. Hindi pa ako sigurado." sagot naman ni Omi.

"Sandali lang! Hindi kami kaaway!" sigaw ni Seph sa kabilang banda ng Ice wall.

"Paano naman kami nakakasiguro na hindi nga kayo kaaway eh bigla kayong lumitaw dito at ngayon kinulong kami sa isang pader ng yelo?!" sigaw pabalik ni Ken.

"Pasensya na kayo...pero para patunayan ito tatanggalin namin ang harang." sinenyasan ni Seph si Rikku na kahit nag-aalangan ay ginawa pa rin.

Susugod ulit sana si Aya ngunit parang may pumipigil sa kanyang invinsible force. Bumalik na pala si Destiny at nag-cast ito ng stun spell(5).

"Makinig po muna kayo bago sumugod. Kapag tapos na kami sa aming paliwanag at para sa inyo ay hinddi iyon sapat ako na ang una ninyong atakihin." Malumanay na sabi ni Destiny. Madali ssyang matakot pero ayaw nya sa lahat ay iyong sumusugod muna bago nagtatanong <kahit minsan ganun din sya.>

Umupo na lang si Omi sa kanyang computer chair at nakinig. Sinundan sya nina Ken at Yohji na umupo sa sofa. Si Aya naman ay sumandal sa pader pero hawak parin ang katana

"Bago ang lahat gusto ko sanang magpakilala. Ako si Anthony pero kilala sa aming mundo bilang Sephiroth Jr. Seph for short. Isa akong Priest. Ito naman ay si Eemi pero kilala bilang si Rikku ang mage. At si Crystal pero mas kilala sa tawag na Destiny. Isa d-"

"Isa akong acolyte." sabat ni Destiny na-proud na proud. Napabuntong hininga na lang si Seph.

"Narito nga pala kami para humingi ng tulong sa inyo." pagpapatuloy ni Seph.

"Tulungan ninyo kami na iligtas ang aming munndo sa napipintong giyera!"

~end of part 1

Gising pa kayo? Kasi nakatulog ako sa gitna ng pagsusulat nito. -_-'

(1) Sanay akong may japanese suffixes.
(2)Syempre si Aya.
(3) Malay nyo, nag-tatake din sila ng orders via net.
(4) Bahala na kayong mag-isip kung paano nila nagawa yon. Sa aking palagay, para silang nagtra-transform ala 'Sailormoon' pero sa akin un, ewan ko sa inyo. Sabagay,medyo OOC sila pag sumigaw ng 'Weiss Assasin Power Make-up!' <kung sino man nakapagisip non, pahiram muna.>
(5) Nakalimutan ko na kung anong tawag don.

A/N Part 2: Alam ko, di sya ganun ka-exiting<kasi cliche' ang plot> di masyadong nakakatawa<la akong talent sa field ng comedy> la din masyadong buhay<according to Seph dahil 'bat ayaw mo maglagay ng bad words?' di naman ako tulad nung nagsulat ng Pritong Kandule na prone sa ganun. Hanggang Shit lang kaya ko.> at maraming grammatical errors<notepad sabi gamit ko eh!> Anong nangyayari sa akin?! <hungs her head in shame> Pero 'kay lang. First time ko lang talaga gumawa ng tagalog fic. <bakit ung english fics mo, may sense ba?>

Kaya please review and tell me if
a. I should just stick to English and rewrite this fic.
b. Discontinue,throw this crap to Makai and forget as if it never happened
c. Continue and be beaten to death by Rikku/Seph and other RO playerss I'm planning to use on this fic <BTW, they're real players...^___^V>

So please tell me. Suggesstions, Comments and questions are accepted.

FLAMES are highly recommended.

P.S.

If ever I decide to continue, could an expert in Ragna help me esp. in the skills and quest?! Please!!!!!!!<now on her knees>

~`AoiFurin Stage up!
Mar.10,2004